Isinagawa ng Samar Media sa Bagong Pilipinas (SMBP) ang kauna-unahang halalan ng mga opisyal nito sa Modesto Restobar & Family KTV sa Catbalogan City.
Ito ay bahagi ng pagtatag ng bagong media group na naglalayong suportahan ang adbokasiya ng Bagong Pilipinas ng pamahalaan at itaguyod ang patas at makatotohanang pagbabalita sa Samar at karatig lugar.
Pito sa orihinal na miyembro ng SMBP core group ang lumahok sa halalan, kung saan nahalal ang mga sumusunod na opisyal:
President: Oscar Maribojoc
Vice President: Rex Gamba
Secretary: Jemar “JM” Somino
Treasurer: Letlit Teña
Auditor: Rene Castiño
PIO: Lito Bagunas
Kabilang naman sa Board of Trustees sina Niño Doncillo at Cherry Villanueva.
Bagama’t pinadalhan ng Notice of Meeting, hindi nakadalo ang iba pang kasama sa orihinal na core group na sina Zaldy Jaba-an, Ray Gaspay at Fidel Arceño Jr.
Samantala, inanunsyo din ng bagong halal na presidente na naisumite na ang application for registration ng SMBP sa Securities and Exchange Commission (SEC), na mahalagang hakbang upang maging lehitimo ang grupo at sumunod sa mga opisyal na pamantayan.
Umaasa ang grupo na makakamit ang lokal na akreditasyon upang higit na maging matatag ang kanilang tungkulin sa media sa Samar.
Layunin ng mga bagong halal na opisyal na pangunahan ang mga proyektong nakatuon sa patas at tamang pagbabalita, kaakibat ng pangunahing adhikain ng SMBP sa integridad at katotohanan.
Ang halalang ito ay nagbibigay ng panibagong simula para sa SMBP sa kanilang layuning maging mapagkakatiwalaang boses sa lokal na media at magtaguyod ng totoo at makabuluhang pamamahayag sa Samar.