KUMPIRMADO na muling magsasanib-pwersa ang Star Cinema ng ABS-CBN at GMA Pictures para sa sequel ng hit film na “Hello, Love, Goodbye” na ipinalabas noong 2019.
Unang napaulat na ang sequel na may pamagat na “Hello, Love, Again” ay ipalalabas sa Nov. 13 sa Pilipinas, at susundan ito ng international releases.
Vicki Belo, sumakay ng MRT sa unang pagkakataon para humabol sa Concert ni Morissette
South Korean Actor Ji Chang-Wook, makakasama nina Jodi Sta. Maria, Janella Salvador, at Francine Diaz sa Reality Show
Singer ng 90s Hits na “Nanghihinayang,” pumanaw na
Singer na si Jona, nakaranas ng pang-aabuso mula sa sariling ama
Muling gagampanan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang kanilang mga karakter bilang Joy at Ethan, sa ilalim muli ng direksyon ni Cathy Garcia-Sampana.
Sinasabing ang setting ng sequel ay limang taon matapos ang mga kaganapan sa unang pelikula.
Ang “Hello, Love, Goodbye” ay ang Highest-Grossing Philippine Film of All Time bago nalagpasan ng “Rewind” ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes nito lamang January 2024.
