NANAWAGAN ang Health Authorities sa Pangasinan na magpakonsulta kapag nakararanas ng mga sintomas ng dengue makaraang maitala sa lalawigan ang dalawampu’t isang nasawi at lumobo ng labindalawang porsyento ang mga kaso noong nakaraang taon.
Sa datos mula sa Provincial Health Office (PHO) Epidemiology and Surveillance Unit, umabot sa 3,308 ang dengue cases noong 2023 mula sa 2,956 cases noong 2022.
Karamihan sa mga kaso ay naitala noong tag-ulan o mula agosto hanggang Oktubre.
Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Cielo Almoite, ang mga nasawi ay nakaranas ng last stages ng dengue at huli na ng madala sila sa ospital.