SA kaniyang State Of the Nation Address (SONA) sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na igigiit ng Pilipinas ang karapatan at interest nito sa West Philippine Sea.
Ayon sa Pangulo, ito ay kahit pa ang kapalit nito ay ang mga hamon na kakaharapin ng bansa sa sa usapin ng territorial sovereignty.
ALSO READ:
NACC, umapela sa socmed platforms na maging mas mahigpit kontra online baby selling
Paratang ng mga nagpakilalang ex-marines, itinanggi ni Ombudsman Remulla
Ika-2 impeachment complaint vs VP Sara, iniatras ng Tindig Pilipinas
Pinay, nasawi sa missile attack sa Israel; DND tiniyak ang kahandaan na ilikas ang mga Pinoy sa Gitnang Silangan
Sinabi ng Pangulo na hindi isang kathang-isip lamang ang West Philippine Sea at ito ay pag-aari lamang ng Pilipinas.
Umani ng mahabang palakpak at hiyawan ang pahayag na ito ng Pangulo.
Kaugnay nito ay nagpasalamat ang Pangulo at kinilala nito ang sakripisyo ng buong sandatahang lakas, Philippine Coast Guard, at maging ng mga mangingisda sa West Philippine Sea. (DDC)
