KARAMIHAN ng Online Scammers na naaresto kamakailan ng mga otoridad ay mga Pilipino na natuto mula sa pagta-trabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
Ayon kay PNP Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) Director Brig. Gen. Bernard Yang, hindi na maaring iugnay ang mga krimen sa POGOs, dahil mismong mga Pinoy na ang gumagawa nito.
Mahigit P386-M na jackpot prize sa Ultra Lotto napanalunan ng nag-iisang bettor
DMW kumpiyansang maaabot ang 100 percent budget utilization ngayong taon
Dagdag na $100 sa minimum wage ng mga Pinoy domestic helpers ipatutupad ng DMW
Mga Pinoy marino na naipa-deport pauwi ng Pinas, inilapit ni Sen. Raffy Tulfo kay US Ambassador Carlson
Aniya, batay sa kanilang Statistics, malaking bilang sa kanilang mga inaresto ay mga Pilipino habang pito lamang ang mga dayuhan.
Hindi binanggit ni Yang ang eksaktong pigura ng mga nasakoteng Pinoy bunsod ng Online Scams.
Gayunman, umabot aniya sa 608 individuals ang dinakip ng PNP-ACG dahil sa iba’t ibang Cyber Crimes, kabilang ang 116 na na-convict, simula Dec. 2024 hanggang June 20,2025.