3 July 2025
Calbayog City
National

Karagdagang sasakyan, dineploy ng gobyerno para sa tatlong araw na transport strike simula ngayong Lunes

INANUNSYO ng Department of Transportation (DOTr) na nag-deploy sila ng mga sasakyan para sa tatlong araw na tigil-pasada simula ngayong araw hanggang sa Miyerkules.

Sinabi ng DOTr Secretary Vince Dizon, na magkakaroon ng additional buses sa EDSA Busway at trains sa MRT-3, LRT-1, at LRT-2.

Idinagdag ni Dizon na magbibigay din ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng libreng sakay sa bus sa mga apektadong lugar.

Hinimok naman ng kalihim ang transport groups na makipag-dayalogo sa halip na magsagawa ng kilos-protesta.

Una nang nagdeklara ang grupong MANIBELA ng tatlong araw na tigil-pasada, bunsod ng umano’y pagsisinungaling ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nang sabihin nitong 86 percent ng PUV operators at drivers ang nagpa-consolidate na sa PUV Modernization Program.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).