PATAY ang kapitan ng barangay at dalawang barangay tanod makaraang pagbabarilin sa loob mismo ng Barangay Hall, sa Barangay Daja Diot, sa bayan ng San Isidro sa Leyte.
Ayon sa pulisya, nasa loob ng Barangay Hall si Barangay Chairman Elizalde Tabon, kasama ang mga tanod na sina Paulo Al Mendero at Rusty Salazar nang pumasok ang armadong kalalakihan saka sila pinagbabaril.
Sugatan din ang isa pang tanod na bayaw ng kapitan na si Alex Bacor, na nakatayo sa labas ng barangay hall.
Hindi pa tukoy ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek na lulan ng motorsiklo, gayundin ang motibo sa krimen.