10 March 2025
Calbayog City
Province

Kanlaon volcano, nakapagtala ng labing walong volcanic quakes

PATULOY ang pag-a-alboroto ng bulkang Kanlaon sa Negros, na nakapagtala ng labing walong volcanic quakes noong Sabado.

Sa bulletin ng PHIVOLCS, kahapon, naglabas din ang Kanlaon volcano ng 2,407 tonnes ng sulfur dioxide.

Naobserbahan din ang moderate plumes na hanggang 150 meters ang taas mula sa bunganga ng bulkan. Inihayag ng PHIVOLCS na namamaga pa rin ang katawan ng Kanlaon volcano na nananatiling nasa alert level 3.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).