Makalipas ang walong buwan, pinakawalan ng Indian officials ang isang kalapati na pinaghinalaang nag-e-espiya para sa China, matapos manghimasok ang animal rights organization na PETA.
Nagsimula ang kalbaryo ng kalapati noong Mayo ng nakaraang taon nang mahuli ito malapit sa isang port sa Mumbai.
Ayon sa PETA, mayroong mensahe na nakasulat sa pakpak ng ibon na tila Chinese characters kaya pinagdudahan itong nag-e-espiya, dahilan para isailalim ito sa medical examination bilang bahagi ng imbestigasyon.
Noong 2016 ay isang kalapati rin ang isinailalim sa kustodiya ng mga otoridad makaraang makitaan ng maikling sulat ng pagbabanta kay Indian Prime Minister Narendra Modi.