3 July 2025
Calbayog City
Local

Kahalagahan ng pagkakaisa, binigyang diin ni Gov. Tan upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Samar

DUMALO si Samar Governor Sharee Ann Tan sa pagdiriwang ng 39th Founding Anniversary ng 801st Brigade, 8th Infantry Division ng Philippine Army na ginanap sa Camp Daza, sa Barangay Fatima, Hinabangan, Samar.

Bilang Guest of Honor at speaker, ibinahagi ni Tan ang kanyang karanasan sa pagsusulong ng Peace and Order bilang Local Chief Executive ng lalawigan.

Binigyang diin ng gobernadora ang kahalagahan ng pagkakaisa upang masolusyunan ang insurhensiya at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong probinsya.

Ipinakilala rin ni Tan ang One Values Program (OVP), na kanyang Flagship Moral Recovery and Values Transformation Initiative, na naglalayong itanim ang Core Values sa lahat ng age groups.

Sa naturang okasyon, tatlong sundalo ang tumanggap ng Gawad sa Kaunlaran Medal habang apat ang pinagkalooban ng Military Merit Medal.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).