SA ginanap na PinaSigla Family Health Fair sa Maynila muling nagpaalala ang Department of Health sa mga kabataan kaugnay sa matinding panganib ng Vape at sigarilyo sa katawan.
Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, ang pagvavape at paninigarilyo ay nagdudulot ng malalang pinsala sa baga na pwedeng humantong sa kamatayan.
ALSO READ:
Dagdag pa ng kalihim, ang pagtigil sa pagvavape, paninigarilyo, at pag-inom ng alak ay makatutulong para makaiwas sa Hypertension at Cardiovascular Diseases.
Kung kinakailangan ng tulong para makahinto sa paggamit ng Vape at sigarilyo, maaaring magtungo sa mga Smoking Cessation Clinics.
Maaari ding tumawag sa DOH Quitline 1558 upang matulungang mag-quit sa bisyo.