Binisita ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang PWD City Federation Assembly and Election of Officers sa LGU Conference Room.
Patunay ito ng dedikasyon ni Mayor Mon sa pang-unawa at pag-abot sa partikular na requirements ng PWD community, at tiyaking matatanggap ng mga benepisyaryo ang assistance at mahahalagang resources para sa kanilang kapakanan at mapabilang sila sa mga programa at serbisyo ng lungsod.
Ipinakita ng Alkalde ang commitment sa pagsusulong ng equality at pagpapabuti sa kalidad ng pamumuhay para sa lahat ng mga residente ng Calbayog, kabilang na ang persons with disabilities.