14 November 2025
Calbayog City
National

Ilang simbahan sa Pilipinas, itinalaga bilang pilgrim sites para sa Jubilee 2025

INANUNSYO ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ilang simbahan sa bansa ang itinalaga bilang pilgrimage sites para sa Holy Year 2025.

Sinabi ni CBCP President Cardinal-Elect Pablo Virgilio David, na bubuksan ng pilgrim churches ang kanilang mga pintuan sa mga deboto na nais magkaroon ng mas malalim na repleksyon at pakikipag-usap, at maranasan ang walang hanggang awa ng panginoon, para sa Jubilee Year.

Sa temang “Pilgrims of Hope,” ang Jubilee ay opisyal na magsisimula sa Dec. 24, 2024, kung saan bubuksan ni Pope Francis ang “Holy Door” sa St. Peter’s Basilica sa Vatican City, at pangungunahan nito ang isang misa.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.