INALALA ng Philippine Coast Guard ang ika-dalawang daang araw ng kanilang diving operations para sa paghahanap sa “Missing Sabungeros” sa Taal Lake.
Sa pahayag ng PCG, kinilala nito ang mahigit anim na buwang walang sawang pagtupad sa tungkulin, sakripisyong hinarap, at matibay na diwa ng pagkakaisa ng mga ahensyang nagtutulong-tulong para sa iisang layunin.
ALSO READ:
GOTIA: Ang West Philippine Sea ay Karapatan ng Pilipinas na Pinagtitibay ng BatasMga Maling Interpretasyon na Kinakailangang Linawin
17 puganteng Taiwanese, ipina-deport ng BI
15 survivors at 2 nasawi sa tumaob na MV Devon Bay, nai-turn over na sa PCG
Unang impeachment complaint vs PBBM madadala na sa House Justice Committee
Sinabi ng PCG na sa loob ng dalawang daang araw, nanatiling matatag ang mga Coast Guard technical divers, responders, at Incident Management Team sa kabila ng matinding hamon ng lalim, lamig, limitadong visibility, at panganib na dulot ng operasyon sa lawa.
Ayon sa Coast Guard hindi mapapagod ang kanilang mga tauhan lalo at may mga pamilyang patuloy na naghihintay ng kasagutan.
