BINISITA ni Alden Richards si Sandara Park sa set ng upcoming K-pop survival show na “be the next: 9 dreamers” kung saan isa ang K-pop icon sa magsisilbing hosts.
Sa instagram, ibinahagi ni Sandara ang ilang litrato kasama ang Asia’s Multimedia star, kasabay ng pagpapasalamat kay Alden at “nice meeting you” na caption.
Balik-pilipinas si Sandara para sa naturang survival show sa ilalim ng MLD Entertainment Ph.
Sa pagdating sa bansa ng tinaguriang pambansang krung-krung, agad itong nag-crave sa kanyang paboritong pagkaing pinoy na tocino.
Noong disyembre ay nagkaroon ng two-night concert sa manila si Sandara, kasama ang kapwa 2NE1 members na sina Cl, Park Bom, at Minzy, bilang bahagi ng kanilang welcome back reunion tour.