ITINUTURING ni Gilas Pilipinas Head Coach Tim Cone na great equalizer ang pagbabalik ni Scottie Thompson sa pambansang koponan para sa FIBA Asia Cup Qualifiers
Ayon kay Cone, sa muling pagpasok ng 6’2” guard ay balik na rin sa normal ang mga posisyon ng ibang gilas players, kaya magiging balanse na ang kanilang laro.
Sinabi pa ng Gilas Coach na si Thompson din ang magbibigay ng great one-two defenseive punch para sa koponan.
Matatandaang hindi nakapaglaro si Thompson, sa fiba Olympic Qualifying Tournament dahil sa kanyang bulging disk injury.