PANGUNGUNAHAN muli ni Justin Brownlee ang 18-Man Pool ng Gilas Pilipinas para sa First Window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Makakasama ng naturalized import sina Dwight Ramis, Japeth Aguilar, AJ Edu, June Mar Fajardo, Jamie Malonzo, Chris Newsome, Calvin Oftana, CJ Perez, Kevin Quiambao, Carl Tamayo, at Scottie Thompson, na pawang sumabak sa 2025 FIBA Asia Cup noong Agosto.
Pinay Tennis Star Alex Eala, nag-training kasama si Rafael Nadal
Pangulong Marcos, nangakong susuportahan ang Pinoy athletes sa muling pagbubukas ng PhilSports Complex
Lebron James, balik na sa training para sa nalalapit na pagbabalik sa Lakers
Barangay Ginebra, natakasan ang Phoenix sa nagpapatuloy na Philippine Cup
Ang 7-foot-3 na si Kai Sotto, na hindi nakapaglaro sa Asia Cup bunsod ng ACL injury, ay kasama rin sa listahan habang nagpapatuloy sa kanyang recovery.
Ang Barangay Ginebra Wingman na si Troy Rosario at isa pang naturalized big man na si Ange Kouame, na kapwa inimbitahan noon sa Pool, ay nagbabalik para sa panibagong call-up.
Kukimpleto sa Expanded Pool ay ang latest additions na sina RJ Abarrientos, Juan Gomez De Liaño, at Quentin Millora-Brown.
