INAKUSAHAN ni Ellen Adarna ang kanyang mister na si Derek Ramsay na nagtaksil sa kanya, sa pamamagitan ng live question-and-answer sa kanyang social media.
Sa kanyang Instagram stories, ipinost din ng aktres ang screenshots ng umano’y palitan ng mensahe sa pagitan ni Derek at ng hindi pinangalanang babae.
ALSO READ:
Rochelle Pangilinan, nagbabala laban sa fake Sexbomb Reunion Concert tickets
Rob Deniel, magkakaroon ng solo concert sa Araneta Coliseum sa Pebrero
K-Pop Group na TWICE, nag-donate ng 7.6 million pesos para sa mga biktima ng sunog sa Hong Kong
VIVAMAX actress, ibinulgar ang indecent proposal mula sa mayor at senador
Sa live video, sinabi ni Ellen na natuklasan niya ang tungkol sa screenshots mga tatlong Linggo na ang nakalipas.
Inihayag ng Cebuana actress na pinayuhan siya ng kanyang abogado na huwag pangalanan ang babae upang hindi siya malagay sa alanganin. Nilinaw din ni Ellen na ang babae ay hindi ex-girlfriend ng kanyang mister, at isa lamang itong “side chick.”
