KINUMPIRMA ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na maghahain siya ng kanyang aplikasyon sa Judicial and Bar Council (JBC) para sa posisyon ng Ombudsman.
Sa ambush interview, sinabi ni Remula na magsusumite siya ng kanyang aplikasyon, bago o sa Biyernes.
ALSO READ:
Mahigit P386-M na jackpot prize sa Ultra Lotto napanalunan ng nag-iisang bettor
DMW kumpiyansang maaabot ang 100 percent budget utilization ngayong taon
Dagdag na $100 sa minimum wage ng mga Pinoy domestic helpers ipatutupad ng DMW
Mga Pinoy marino na naipa-deport pauwi ng Pinas, inilapit ni Sen. Raffy Tulfo kay US Ambassador Carlson
Idinagdag ng kalihim na marami siyang maiaambag kapag nakuha niya ang naturang posisyon.
Batay sa anunsyo ng JBC, ang deadline sa pagsusumite ng online applications ay sa Biyernes, July 4, 4:30 ng hapon.
Magtatapos na kasi ang termino ni Ombudsman Samuel Martires sa July 27.