IBINASURA ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang mga kasong kriminal at administratibo na isinampa laban sa kanya ni Davao City Acting Mayor Sebastian Duterte sa Office of the Deputy Ombudsman for Mindanao.
Tinawag ito ng DOJ chief na Forum-Shopping na ang layunin ay harangin ang kanyang kagustuhan na maging Ombudsman.
Finger heart sign ni Sarah Discaya, itinuturing ng DOJ na kawalan ng sinseridad
Hearings ng ICI, hindi mapapanood sa livestream – Executive Director
Mahigit 1,300 mga silid-aralan, sinira ng bagyong Opong at ng Habagat – DepEd
26, napaulat na nasawi bunsod ng mga bagyong Mirasol, Nando, at Opong, at maging Habagat – NDRRMC
Si Remulla, kasama ang kanyang kapatid na si Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, at ilan pang mga opisyal ay nahaharap sa Multiple Counts of Kidnapping, Arbitrary Detention, Serious Dishonesty, at iba pang mga asunto.
Ang mga kaso na isinampa ni Atty. Israelito Torreon sa Davao City, ay may kaugnayan sa pag-aresto kay Dating Pangulong Rodrigo Duterte noong March 11 at paglipat sa hurisdiksyon ng International Criminal Court sa The Netherlands.
Binigyang diin din ni Remulla na mayroon ng Petitions for Certiorari na inihain ang mga kaalyado at pamilya ng dating pangulo sa Supreme Court na kumukwestyon sa pagdakip kay Duterte at paglipat sa kanya sa ICC.