BIGONG makaabante ang Filipina Tennis Ace na si Alex Eala sa Singapore Tennis Open Qualifiers matapos kapusin kay Simona Waltert ng Switzerland sa score na 3-6, 2-6, kahapon.
Hindi na umabot ang disi nueve anyos na si Eala sa main draw ng kanyang Singapore tilt, makaraang matalo sa Swiss Ace sa loob lamang ng isang oras at labing anim na minuto.
ALSO READ:
Alex Eala, kinapos kay Tereza Valentova sa Japan Women’s Open
PLDT, na-sweep ang Capital-1 sa pagsisimula ng kanilang kampanya para sa ika-3 sunod na titulo
2025 Batang Pinoy Games, All Systems Go na sa General Santos City, sa kabila ng naramdamang lindol
NLEX, natakasan ang San Miguel sa PBA Season 50 Philippine Cup
Tatlo beses tinalo ni Waltert si Eala sa kanilang huling apat na paghaharap na palaging malapit na sa main draw.
Noong sabado ay pinadapa ng Pinay Tennis Star si Sara Saito ng Japan, sa pagsisimula ng kanyang kampanya subalit nabigong makausad sa main draw ng torneyo.