TATANGGAP ang Catbalogan City Government sa Samar ng labing walong sub-projects na pinondohan sa ilalim ng Local Government Support Fund – Support to the Barangay Development Program (LGSF-SBDP) upang mapanatili ang kapayapaan sa mga komunidad na dating nasa ilalim ng impluwensya New People’s Army (NPA).
Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Samar Provincial Director Judy Batulan na bawat proyekto ay may budget na 6.6 million pesos at ipatutupad sa labing isang mga barangay.
Kabilang sa recipients ang mga Barangay Palanyogon, Totoringon, Cagudalo, Cagutian, San Andres, Albalate, Cawayan, Bangon, Lobo, Manguehay, and Libas, na pawang mga bulubunduking komunidad sa Catbalogan na Kabisera ng Samar.
Ang mga proyekto ay kinabibilangan ng pagko-kongkreto ng pitong farm-to-market roads, pagbibigay ng renewable electrification, pagtatayo ng health stations sa mga barangay, at pagtatayo ng school buildings.