IPINAG-utos ng isang hukom sa Quezon City ang pag-aresto sa singer na si Arnel Pineda dahil sa paulit-ulit na pang-iisnab sa Arraignment Proceedings sa kasong Domestic Violence na isinampa ng city prosecutor sa ngalan ng kanyang misis.
Inilabas ni Judge Mary Ann Punzalan-Toribio ng Quezon City Regional Trial Court Branch 99 ang Warrant noong Sept. 10 laban sa lead vocalist ng American Rock Band na Journey.
Puerto Rican Rapper Bad Bunny, pangungunahan ang Super Bowl 2026 Halftime Show
Selena Gomez at Benny Blanco, ikinasal na!
Jessica Sanchez, tumanggap ng Standing Ovation sa kanyang ‘Die With A Smile’ performance sa ‘America’s Got Talent’
Ate Gay, sasailalim sa chemo at radiation therapy sa tulong ng anonymous donor
Hindi umano naisilbi ang Warrant noong Biyernes, Sept. 12, dahil wala si Pineda sa kanyang tahanan.
Batay sa Record, nag-ugat ang problema ng mag-asawa, ilang buwan pa lamang simula nang sila ay magsama noong 2003, dahil sa umano’y pambababae ni Pineda.
Sa kabila nito ay nanatili ang dalawa sa relasyon hanggang sa maisilang ang kanilang panganay na anak noong 2005 at nagkaroon pa sila ng pangalawang anak, subalit tuloy pa rin umano sa pagtataksil ang singer.