15 March 2025
Calbayog City
Local

1 buwan na pork ban, idineklara sa 1 bayan sa Southern Leyte

IDINEKLARA ng lokal na pamahalaan ng Silago, Southern Leyte ang isang buwan na pork holiday sa labing isa mula labinlima nitong barangay bunsod ng presensya ng African Swine Fever (ASF).

Sinabi ni Mayor Lemuel Honor na kailangan nilang protektahan ang hog industry sa kanilang bayan mula sa pamiminsala ng ASF kaya nagdeklara sila ng pork ban na tatagal ng isang buwan.

Sakop ng kautusan ang mga Barangay Katipunan, Imelda, Hingatungan, Salvacion, Laguma, Tuba-on, Tubod, Poblacion District 1, Poblacion District 2, Punatana, at bahagi ng sudmon.

Nakasaad sa executive order na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpatay at pagbebenta ng baboy at iba pang pork products mula sa mga naturang barangay na mayroong mga kaso ng ASF.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *