NANGUNA ang magkapatid na Erwin at Ben Tulfo sa latest senatorial survey na isinagawa ng Octa Research na nilahukan ng isanlibo at dalawandaang respondents noong Aug. 28 hanggang Sept. 2.
Sa Tugon ng Masa Third Quarter 2024 poll, nakakuha si act-cis Party-List Rep. Erwin Tulfo ng 60 percent preference, sumunod ang broadcaster na si Ben Tulfo na may 57 percent.
Grupong BAYAN inihahanda na ang panibagong malawakang protesta
Panukalang bumalik ang bansa sa Rome Statute hindi pa natatalakay ng Palasyo
VP Sara, bilib sa mga dating sundalong nagbunyag ng sabwatan ng ilang mambabatas at ICC investigators
Dating Pangulong Duterte, walang direktang utos ng pagpaslang sa Oplan Tokhang, ayon sa defense lawyer
Nasa third to fourth spot si dating Senate President Tito Sotto na may 50 percent habang si Senador Bong Go na nakakuha ng 49 percent ay nasa third to sixth spot.
Tie sa fourth to six place sina dating Senador Panfilo Lacson at Senador Bong Revilla na kapwa nakapagtala ng 44 percent voter preference.
Nakatanggap si Senador Pia Cayetano ng 35 percent para sa seventh to 12th spot habang sina Senador Francis Tolentino at dating Senador Manny Pacquiao ay nasa 7th to 13th spot sa nakuha nilang 34 percent.
Nasa 7th to 15th spot naman sina Senador Imee Marcos, Senador Lito Lapid, at dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos makakuha ng 33 percent voter preference.
