NAARESTO ng mga awtoridad si dating Police Major Allan De Castro at driver nito, kaugnay ng pagkawala ng beauty pageant contestant na si Catherine Camilon, sa Balayan, Batangas.
Ayon sa Police Regional Office 4A, nasakote si De Castro, sa Barangay Caloocan, pati na ang driver-bodyguard nito na si Jeffrey Magpantay.
ALSO READ:
Bilang ng mga nasawi sa gumuhong landfill sa Cebu, lumobo na sa 25
Day of Mourning, idineklara ng Cebu City para sa mga biktima ng pagguho sa Binaliw landfill; death toll, umakyat na sa 20
DSWD, patuloy ang repacking ng food packs para sa mga pamilyang apektado ng Mt. Mayon
8 taong gulang bata, pinatay sa saksak sa San Pablo City sa Laguna
Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong Kidnapping and serious illegal detention bunsod ng umano’y pagkakasangkot sa pagkawala ng beauty queen noong 2023.
Sinasabing may relasyon sina De Castro at Camilon bago napaulat na nawawala ang biktima.
