IMINUNGKAHI ng isang election watchdog sa Comelec na bumalik na lamang sa manual voting subalit automated ang transmission, upang maiwasan ang anumang delay sa pag-i-imprenta ng mga balota.
Ginawa ni Kontra Daya Convenor Danilo Arao ang suhestiyon, makaraang masayang ang anim na milyong balota para sa nalalapit na halalan sa Mayo, na nagkakahalaga ng 132 Million Pesos.
Grupong BAYAN inihahanda na ang panibagong malawakang protesta- Panukalang bumalik ang bansa sa Rome Statute hindi pa natatalakay ng Palasyo
VP Sara, bilib sa mga dating sundalong nagbunyag ng sabwatan ng ilang mambabatas at ICC investigators
Dating Pangulong Duterte, walang direktang utos ng pagpaslang sa Oplan Tokhang, ayon sa defense lawyer
Sinabi ni Arao na sa pamamagitan ng pagbabalik sa mano-manong botohan ay maiiwasan ang pagka-antala dahil ang mga botante ang magsusulat ng pangalan ng mga napupusuan nilang kandidato.
Idinagdag ng University of the Philippines Professor na kung gagawin ito ay tuloy-tuloy lamang ang pag-print ng ng mga balota, anuman ang susunod na maging desisyon ng supreme court.
Binigyang diin ni Arao na makatitipid ng bilyon-bilyong piso ang panukala nilang “hybrid elections” dahil minimal o kaunti lamang aniya ang kakailanganing equipment dito, gaya ng laptops.
