3 February 2026
Calbayog City
Local

Jet flight operations papayagan na sa Calbayog Airport

HANDA na ang Calbayog Airport sa Samar para mag-accommodate ng jet flight operations upang mas maraming pasahero ang makabiyahe sa probinsya. 

Ayon kay Transportation Secretary Giovanni Lopez, tutulong ang Department of Transportation at ang Civil Aviation Authority of the Philippines sa Calbayog local government unit para makipag-ugnayan sa sa local airlines upang masimulan na ang operasyon ng mas malalaking eroplano sa Paliparan.

Inatasan din ni Lopez ang CAAP na maglaan ng 60 million pesos na pondo para makapagsagawa ng asphalt overlay sa 300 meters ng runway na kailangang ayusin.

Ani Lopez, ang runway ng Calbayog City Airport ay may sukat na 2,000 by 45 meters kaya pwede talaga ito sa jet operations. 


Ayon naman sa CAAP bago matapos ang kasaluyang buwan matatapos ang paglalagay ng bago at mas modernong tower sa Paliparan.

HANDA na ang Calbayog Airport sa Samar para mag-accommodate ng jet flight operations upang mas maraming pasahero ang makabiyahe sa probinsya. 

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).