NAGSISILBING Interim President si General Min Aung Hlaing, ang leader ng Military Junta sa Myanmar makaraang sumailalim sa medical leave ang kanilang pangulo na si Myint Swe.
Ayon sa Government Broadcaster na MRTV, nagpadala ng sulat ang Interim President’s Office sa State Administration Council Office para atasan ito na i-delegate ang mga responsibilidad.
ALSO READ:
Iran, walang palulusutin kahit 1 litrong langis sa Strait of Hormuz
UAE oil giant na ADNOC, isinara ang kanilang Ruwais refinery kasunod ng drone strike
France, naghahanda sa pag-escort ng mga barko sa Strait of Hormuz kapag kumalma na ang giyera
13 katao patay, halos 2,000 sugatan sa mga pag-atake ng Iran sa Israel
Ang tinutukoy nito ay ang Junta Council na nangangasiwa sa Myanmar, na pinamumunuan ni Hlaing.
Una nang ibinalita ng state-owned Global New Light of Myanmar na dumaranas ang pitumpu’t tatlong taong gulang na Myanmar President ng “psychomotor retardation” at “malnutrition” simula noong nakaraang taon, at hindi na nito magampanan ang kanyang tungkulin.
