ISINASAPINAL na ng boston celtics at ni ALL-NBA forward Jayson Tatum, ang limang taong supermax extension na nagkakahalaga ng 314 million dollars na pinakamalaking deal sa kasaysayan ng NBA.
Sa reports ng the athletic at ESPN, ang deal ay kasunod ng malaking ambag ni Tatum sa celtics na itinanghal na kampeon sa 2024 NBA finals, na ika-labingwalong titulo ng prangkisa.
ALSO READ:
Pinoy jet ski racers, nakasungkit ng medalya sa WGP-1 Waterjet World Cup 2025 sa Thailand
Tim Cone, pinuri ang teams ng Gilas Men and Women sa nakamit na tagumpay sa SEA Games
Team Philippines, naging matagumpay pa rin sa paglahok sa SEA Games kahit kinapos sa target
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Ang bente sais anyos na american basketball power forward ay nag-average ng 26.9 points, 8.1 rebounds at 4.9 assists per game sa pagsisimula ng regular season bago nagdagdag ng 25.0 points, 9.7 boards at 6.3 assists per game sa 19-game romp ng Boston sa playoffs.
Una nang naselyuhan ng Celtic ang 126-million dollar contract extension sa starting guard na si Derrick White.
