Nakatakdang magtalumpati si Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa Joint Meeting ng US Congress sa April 11, ayon sa congressional leaders.
Sa statement, nakasaad na ang pagbisita ni Kishida ay sumisimbolo sa katapatan ng dalawang bansa sa kapayapaan at kaunlaran.
Gayundin, ang pagkakaroon ng international community na nagsusulong ng demokrasya, seguridad, at katatagan.