7 July 2024
Calbayog City
Overseas

Japan at Amerika, nagkasundo sa AI research para sa drones na makakatuwang ng bagong fighter jet

NAGKASUNDO ang Japan at ang United States na simulan ang joint research sa artificial intelligence sa pag-asang mapakikinabangan ang teknolohiya para sa drones na magagamit ng tandem kasama ang next generation fighter jet ng Asian nation.

Plano ng Japan na mag-co-develop ng next-generation figther aircraft kasama ang Britain at Italy pagsapit ng 2035, habang ang US na pangunahing security ally ng Tokyo ay hindi bahagi ng figther jet project.

Gayunman, hiniling ng Amerika na palakasan ang defense cooperation sa Japan, kabilang na ang autonomous systems capabilities.

Ang drones ay maaring gamitin para kumulekta ng datos sa pamamagitan ng paglipad nito malapit sa fighter jets.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *