5 July 2025
Calbayog City
Sports

Jannik Sinner ng Italy, wagi sa US Open

jannik sinner

Napanalunan ni Jannik Sinner ng Italy ang US Open Men’s Singles title sa score na 6-3, 6-4, 7-5 laban sa American no. 12 seed na si Taylor Fritz sa New York.

Ito ang ang ikalawang  grand slam title si Sinner ngayong taon matapos  masungkit ang Australian open noong Enero.

Bilang karagdagan sa napanalunang dalawang grand slam titles sa kanyang karera ngayong taon, umabot din ang bente tres anyos na si Sinner sa semifinals sa French Open.

Umakyat na sa labing isa ang sunod-sunod na panalo ni Sinner at  mayroong 55-5 record ngayong 2024, kabilang ang anim na tournament titles.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).