UMISKOR si James Harden ng Season-High na 35 points at nagdagdag pa ng 9 assists para ibigay sa Los Angeles Clippers ang ika-walong sunod na panalo.
Kahapon ay pinadapa ng Clippers ang Indiana Pacers sa score na 151-127 sa Indianapolis.
Nag-ambag naman sina Kawhi Leonard ng 28 points; Paul George, 27 points; Ivica Zubac, 18 points; at Normal Powell, 19 points para sa Clippers.
Ito ang unang pagkakataon na nanalo ng walong sunod ang Clippers mula nang maitala ang 10-game winning streak ng koponan noong Dec. 25, 2015 hanggang Jan. 13, 2016.