1 July 2024
Calbayog City
Entertainment

Jake Zyrus, niresbakan ang netizen na nagsabing sinayang niya ang kanyang boses

PINALAGAN ni Jake Zyrus ang isang netizen na nagsabing sayang ang dati niyang boses bilang Charice Pempengco.

Iginiit ni Jake na napakalaking bahagi ng pagiging trans man ang Hormone Therapy.

Tila napikon si Jake makaraang ikumpara ng isang @dart_eves ang boses niya sa kapwa singer na si Ice Seguerra.

Sinabihan ng singer ang netizen na inilarawan niyang papansin, na huwag na nitong banggitin ang kanyang deadname.

Ipinaliwanag din ni Jake na kaya hindi nagbago ang boses ni Ice ay dahil hindi naman ito nag-take ng anumang Hormone Therapy.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *