PINAALALAHANAN ng Department of Transportation (DOTr) ang airline companies na magbigay ng napapanahon at eksaktong updates kaugnay ng kanilang flights para sa mas maginhawa at hassle-free na biyahe.
Binigyang diin ng DOTr na ang delayed announcements o kanselasyon ay nagdudulot ng abala sa mga pasahero at karagdagang gastos sa pagkain o akomodasyon.
ALSO READ:
Total External Trade in Goods ng Pilipinas, tumaas ng mahigit 10%
Economic team, magsasagawa ng special meeting kaugnay ng suspensyon sa fuel excise tax sa susunod na linggo
Pangulong Marcos, kumpiyansang maaabot ang 6% GDP growth sa 2028 sa kabila ng epekto ng giyera sa Middle East
BIR, nalagpasan ang target collection sa unang 2 buwan ng taon
Sa advisory ng Civil Aeronautics Board (CAB), inatasan ang airlines sa ilalim ng Air Passenger Bill of Rights (APBR) na agad ipaalam sa mga pasahero ang anumang pagbabago sa kanilang flights, delays, o cancellations.
Pinatitiyak din sa mga airline ang convenience ng mga biyahero at ibigay ang lahat ng posibleng Assistance sa mga apektadong pasahero.
