14 March 2025
Calbayog City
Local

Mahigit 2500 estudyante sa Calbayog City, tumanggap ng Educational Assistance

PINANGUNAHAN ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy, ang payout ng educational assistance para sa kabuuang dalawanlibo limandaan walumpu’t apat na estudyante.

Kabilang sa mga tumanggap ng educational assistance ang mga Scholar mula sa Tinambacan District, Oquendo District, Upper at Lower Happy Valley, 7 Hills, North & South Wings  at Calbayog Proper sa Calbayog City Sports Center.

Sinabi ni Mayor Mon na ang pagbubuhos nila ng pondo sa edukasyon ay salig sa paniniwalang ang karunungan ang susi sa magandang kinabukasan.

Aniya, sa pamamagitan ng hakbang na ito ay magpapatuloy ang pagsulong sa bawat sulok ng lungsod ng Calbayog.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *