BUMULUSOK sa panibagong All-Time Low ang Philippine peso laban sa US dollar.
Nagsara ang Local Currency kahapon sa 59 pesos and 22 centavos is to one dollar.
ALSO READ:
Halaga ng piso muling bumagsak sa bagong record-low
Total External Trade in Goods ng Pilipinas, tumaas ng mahigit 10%
Economic team, magsasagawa ng special meeting kaugnay ng suspensyon sa fuel excise tax sa susunod na linggo
Pangulong Marcos, kumpiyansang maaabot ang 6% GDP growth sa 2028 sa kabila ng epekto ng giyera sa Middle East
Binasag nito ang dating Record Low na 59 pesos and 17 centavos is to one dollar noong Nov. 12, 2025.
Sa isang komentaryo, sinabi ni Rizal Commercial Banking Corp. Chief Economist Michael Ricafort na lumakas ang US dollar laban sa Major Global Currencies sa gitna ng inaasahang panibagong 25 Basis Points Rate Cut ng US Federal Reserve.
