NAGLABAS ang provincial government ng Northern Samar ng executive order para higpitan ang pagbiyahe ng mga baboy at pork products sa tatlong bayan sa loob ng isang buwan upang mapigilan ang paglaganap ng African Swine Fever (ASF).
Nakasaad din sa E.O. No. 25-02-01 na nilagdaan ni Governor Edwin Ongchuan, dapat maglatag ng quarantine checkpoints sa boundaries ng Las Navas, Catubig, at Laoang.
Mahigit 900 katao, nasugatan dahil sa aksidente sa kalsada sa Region 8 sa unang 2 buwan ng taon
DPWH, humahanap ng pondo para sa ‘Grand Canal’ sa Tacloban matapos hindi paglaanan ngayong 2026
Pamamaril sa DPWH engineer ng aktibong sundalo sa Northern Samar, kinundena ng Philippine Army
Provincial Government ng Samar, kinilala ang lakas, pamumuno, at kontribusyon ng kababaihan ngayong Women’s Month
Upang palakasin ang pagpapatupad ng E.O., binuhay ang provincial at municipal ASF task force, gayundin ang quarantine checkpoints, sa pamumuno ng provincial veterinary office.
Batay sa kopya ng kautusan na ibinahagi ng provincial government sa social media pages, papayagan lamang ang pag-transport ng mga buhay na baboy, fresh o frozen pork, at processed pork products kapag may proper documentation, kabilang ang veterinary health certificates at official receipts mula sa awtorisadong sellers.
