KUMITA ng kabuuang 40 billion dollars ang Information Technology and Business Process Management (IT-BPM) Industry ng bansa, at lumikha ng isa punto siyam na milyong trabaho noong 2025.
Ayon kay Jack Madrid, President and CEO ng IT and Business Process Association Philippines (IBPAP), ang mga naturang pigura ay kumakatawan 5 percent na paglago sa kita at 4 percent na pagtaas sa employment kumpara sa sinundan nitong taon.
Noong 2024 ay nakapagtala ang industriya ng 38 billion dollars na revenues at nakapag-hire ng 1.82 million na mga manggagawa.
Inihayag ng IBPAP na lumawak sa regional hubs ang paglago sa labas ng Metro Manila, gaya sa Cebu, Iloilo, Bacolod, Davao, Cagayan De Oro, at CLark sa Pampanga.




