7 July 2024
Calbayog City
Overseas

Israeli na bihag ng Hamas sa Gaza, pinaslang ng Palestinian Militant Group, ayon sa Kibbutz Community

ISANG Israeli na bihag ng Hamas sa Gaza ang pinaslang, ayon sa Kibbutz Community ng lalaki.

Ito’y matapos ihayag ng Palestinian Militant Group na nasawi ang lalaki sa nabigong rescue attempt.

Ang bente singko anyos na si Sahar Baruch ang pinakabagong namatay mula sa mga Israeli at mga dayuhang dinukot at binihag ng Hamas nang umatake sila sa Southern Israel noong Oct. 7.

Nanindigan ang Beeri – ang Gaza Border Community kung saan nagmula si Baruch, maging ang Israeli hostages and missing family forum, sa kanilang joint statement na pinaslang ang bente singko anyos na lalaki.

Una nang inihayag ng Israel na isandaan tatlumpu’t walo pang hostages ang nananatili sa Gaza mula sa dalawandaan apatnapung dinukot noong Oct. 7 nang sumalakay ang grupong Hamas na ikinasawi ng isanlibo dalawandaang katao.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *