INANUNSYO ng Israeli Military na binawasan nila ang kanilang ground troops sa Southern Gaza Strip kasunod ng pagtatapos ng isang buwang operasyon sa Khan Younis City.
Inihayag ng Israel Defense Forces (IDF) ang pag-pullout sa kanilang 98th Commando Division para makapagpahinga at makapaghanda para sa mga operasyon sa hinaharap.
Nananatili naman sa Gaza ang Nahal Brigade pati na ang 162nd Division, na inilarawan ng IDF bilang “significant force” na magpapatuloy ng operasyon sa Gaza Strip.
Iniulat din ng IDF na apat na Israeli soldiers ang napaslang sa Southern Gaza noong Sabado.