15 March 2025
Calbayog City
Overseas

Israeli Military, nangakong gaganti sa ginawang pag-atake ng Iran

INAANTABAYANAN ng Israelis ang gagawing pagtugon ni Prime Minister Benjamin Netanyahu sa kauna-unahang direktang pag-atake ng Iran, sa harap ng panawagan ng International Community na pairalin ang pagiging mahinahon.

Ipinatawag ni Netanyahu ang kanyang war Cabinet kahapon sa ikalawang pagkakataon sa loob lamang ng wala pang bente kwatro oras, para pag-aralan ang kanilang tugon sa Iran matapos ang missile at drone attack noong Sabado.

Gayunman, tiniyak ni Military Chief of Staff Herzi Halevi na gaganti ang Israel, subalit hindi na ito nagbigay ng iba pang detalye.

Ginawa ni Halevi ang pahayag sa Nevatim Airbase sa Southern Israel, na nagtamo ng ilang pinsala bunsod ng pag-atake ng Iran.

Nagpakawala ng mahigit tatlundaang drones at missiles ang Iran bilang ganti sa April 1 Attack ng Israel sa kanilang Embassy Compound sa Damascus, Syria.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *