15 March 2025
Calbayog City
Overseas

Israeli Forces, sinalakay ang pangunahing ospital sa Gaza

SINALAKAY ng Israeli Forces ang pinakamalaking functioning hospital sa Gaza, kung saan makikita at maririnig sa video na pinost online ang kaguluhan, mga sigaw at mga putok ng baril sa madidilim na pasilyo na binalot ng alikabok at usok.

Inilarawan ni Israeli Military Spokesperson, Rear Admiral Daniel Hagar ang raid sa Nasser Hospital bilang “precise and limited,” kasabay ng pagsasabing ibinase nila ang hakbang sa credible information na nagtatago sa pasilidad ang militanteng grupong hamas, at kanilang mga bihag.

Tinawag naman ng tagapagsalita ng hamas ang pahayag ng Israel na “kasinungalingan.”

Inihayag ng health authorities sa Gaza na puwersahang pinalabas ng Israeli military ang mga indibidwal at pamilya ng medical staff na nanunuluyan sa Nasser Hospital .

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *