Papayagan ng Israel ang kaparehong bilang sa mga nakalipas na taon, ng mga magdarasal sa Al-Aqsa Mosque compound sa Jerusalem sa unang linggo ng Ramadan.
Ang pahayag ay mula sa opisina ni Prime Minister Benjamin Netanyahu, subalit walang sinabing eksaktong bilang.
Sa gitna ng nagpapatuloy na digmaan sa Gaza, inanunsyo ng Israel na posibleng limitahan nila ang pagpasok sa holy site sa muslim fasting month, dahil sa seguridad.
Marami namang Palestinians ang pumalag sa mga paghihigpit ng Israel.