TINIYAK ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na gaganti laban sa mga Houthi matapos tumama malapit sa main airport ang pinakawalang missile ng armadong grupo.
Sa video na ipinost sa social media, nagbanta si Netanyahu ng mga pag-atake laban sa Houthis, sa pagsasabing “We attacked in the past, we will attack in the future.”
ALSO READ:
Iranian missile, nagdulot ng matinding pinsala sa Ras Laffan sa Qatar
Iranian security chief, patay sa air strikes ng Israel
EU States, hindi palalawakin ang kanilang naval operations para ma-secure ang Strait of Hormuz
US President Trump at British Prime Minister Starmer, tinalakay ang muling pagbubukas ng Strait of Hormuz
Ayon sa Israeli authorities, ang missile na pinakawalan mula sa Yemen ng Iran-Backed Group, ay bumagsak malapit sa main terminal ng Ben Gurion Airport, kahapon ng umaga.
Sa impormasyon mula sa emergency services, apat katao ang nasugatan sa pagsabog habang dalawang iba pa ang nagtamo rin ng pinsala habang patungo sa isang shelter.
