INANUNSYO ng Israel ang paglulunsad ng bagong air strikes sa mga teritoryo ng Hezbollah sa Lebanon, isang araw matapos masawi ang apatnaraan dalawampu’t siyam katao, kabilang ang tatlumpu’t limang mga bata, sa pinakamadugong pag-atake simula nang mangyari ang digmaan noong 2006.
Nangyari ang pag-atake ng Israel sa Southern Lebanon makaraang sabihin nito na malaking bilang ng mga militante ang namatay nang tamaan ng kanilang mga bomba ang nasa isanlibo animnaraang Hezbollah targets sa buong bansa.
US President Trump at British Prime Minister Starmer, tinalakay ang muling pagbubukas ng Strait of Hormuz
Mahigit 50 cultural sites sa Iran, nasira sa mga pag-atake ng US at Israel
Barko lang ng Amerika ang bawal dumaan sa Strait of Hormuz
Iran, walang palulusutin kahit 1 litrong langis sa Strait of Hormuz
Sa bahagi naman ng Hezbollah, inihayag ng grupo na naglunsad din sila ng mga missiles sa Israeli Military Bases, ilang oras matapos makatawid ang isandaan at walumpu sa kanilang projectiles at unmanned aerial vehicle sa Air Space ng Israel, dahilan para maghanap ng mapagtataguan ang mga residente sa Haifa City.
