Patuloy ang matinding bakbakan sa Gaza na ikinasawi na ng mahigit isandaang Israeli soldiers at nasa labing walunlibong Palestinians.
Nagbabala naman ang grupong Hamas na hindi nila pakakawalan ang natitirang isandaan tatlumpu’t pitong bihag hangga’t hindi ibinibigay ng Israel ang kanilang demands at magpalaya pa ng palestinian prisoners.
Pinasusuko na ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang teroristang grupo matapos sabihin ng kanyang National Security Adviser na umabot na sa pitunlibong Hamas fighters ang napaslang ng kanilang mga sundalo sa bakbakan na naka-sentro sa Southern Gaza.
Mas maraming air strikes ang pinakawalan sa pinakamalaking Southern City ng Khan Yunis habang pinasabugan umano ng Islamic Jihad militants ang isang bahay sa naturang lugar kung saan mayroong mga sundalong naghahanap ng tunnel shaft.