ISANG truck ng repolyo ang ipinamigay sa kahabaan ng Highway sa Dalaguete, sa Cebu.
Ayon sa traffic enforcer na nag-dokumento sa insidente at kumalat na sa social media, hindi pumasa sa market standard ang mga repolyo pero pwede pa namang kainin, kaya nagpasya ang middlemen na ipamigay nalang ang mga gulay sa may gusto.
Naglagay sila ng karatula sa salitang cebuano na libre lang ang mga reployo at lumapit lang ang mga gustong humingi o kumuha.
Hindi na rin umano pinilit ng middlemen na ibiyahe pa ang mga gulay sa malalaking bayan at mga lungsod dahil malapit nang masira ang kanilang dalang produkto.