ISANG bayan sa Leyte ang nagbebenta ng bente pesos na kada kilo ng bigas na pangakong ginawa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nang tumakbo ito noong 2022 Presidential Election.
Gayunman, sinabi ni Matag-Ob Mayor Bernardino Tacoy na ang murang bigas na kanilang binebenta ay hindi para sa lahat.
Aniya, ang kanila lamang target ay mahihirap na residente sa kanilang bayan.
Ang Matag-Ob ang kauna-unahang munisipalidad sa Eastern Visayas na nag-alok ng bente pesos na per kilo ng bigas.